Bakit Mahalagang Pagtuonan Ng Pansin Ng Pamahalaan Ang Mga Isyung May Kinala…

Bakit mahalagang pagtuonan ng pansin ng pamahalaan ang mga isyung may kinalaman sa paglabag sa karapatan at kagalingan ng mga batang pilipino? Paano makaaapekto sa kagalinganng pambansa ang pangangalaga at pagbibigay sa mga kabataan ng lahat ng kanilang mga karapatan?

Dapat na pagtuonan ng pansin ng pamahalaan ang mga isyung ito dahil unang-una, ito ang layunin ng isang pamahalaan; ang maiangat ang kapayapaan at pababain ang mga kaso ng korupsiyon at paglabag sa batas. Pangalawa, ang pagpapasawalang bahala sa mga importanteng aspeto ng pagpapaunlad ng isang bansa’y malamang hahantong sa pagbagsak ng ekonomiya at kakulangan sa disiplina ng mg tao. Hindi uunlad ang isang bansa kung walang kooperasyon ang mamamayan nito kaya mahalaga na bigyan ito ng pansin.

Bilang kabataan at base sa sarili kong pananaw, sa pangangalaga at pagbigay ng makatarungang karapatan sa kapwa kong kabataan, ay ‘maprop-promote’ ang disiplina [na pangkalahatan] at mabibigyang pansin ang pagpapalaganap ng kabutihan sa hinaharap. 

Ang kabataan ngayon ay ang daan natin patungo sa mas magandang kinabukasan [para na din sa mga susunod na henerasyon] kaya mahalaga na mabuo ang naaayon/matiwasay na birtud sa kanilang karakter.

See also  2. Alin Sa Mga Sumusunod Ang Halimbawa Ng Akademikong Pagsulat? A. Buod B. Abstra...