Bakit Itinuturing Na Una At Pangunahing Guro Ng Mga Anak Ang Mga Magulang? A. Dahil…

Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?

a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan.

b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.

c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.

d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.

Ang kasagutan sa tanong na ito ay ‘D‘. Itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang sapagkat ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata. Kung ihahambing natin ito sa paraan ng pagkakatuto ng mga sanggol ng pagsasalita, makikitang ginagaya lamang o tinutularan lamang ng sanggol ang mga naririnig niya mula sa mga nag-aalaga sa kanya. Gayun din sa mga asal at gawi na ipinapakita ng mga magulang sa kanilang mga anak, dahil nabubuo palang ang kamalayan ng mga bata, sa kanilang paningin, tama lahat ng ginagawa ng kanilang magulang.

See also  Magbigay Ng Limang Paraan Sa Pagpapahalaga Sa Dignidad Ng Tao