Bagay Na Maihahalintulad Sa Sarili Salamin

bagay na maihahalintulad sa sarili salamin

Maihahalintulad ko ang aking sarili bilang isang SALAMIN.

—Alam natin na ang salamin ay nagbibigay ng replekson sa ating mga sarili, tulad ko bilang isang tao, para lang din akong salamin na kung anung mga bagay o pag uugali ang pinapakita ng ibang tao saakin at kung papaano nila ako ituring at itrato, ganun din ang ipapakita ko sa kanila.

Ang salamin din ay isang bagay na babasagin, na kapag nabasag, buuin mo man ulit ito ay meron at meron ka paring lamat ng basag na makikita mula rito, gaya lang din yan ng aking pagtitiwala at pagmamahal sa isang bagay o tao na kapag nagkaroon ng lamat ang aming tiwala sa isa’t isa, ito ay mahirap na muling buuin o ayusin, at kung ito man ay mabuo pa, hindi na ito gaya ng dati kong pagtitiwala na buong buo parin.

Sa harap din ng salamin natin binabanggit ang mga tanong gaya ng “maganda ba ako?”,”ganun naba ako kapangit?”, “Ok naba itong suot ko o bagay ba saakin itong damit na ito?” at iba pang mga katanungang madalas na tinatanong sa isang kaibigan, gaya ko, sasagutin ko ang mga katanungang gaya nito na hindi makakasakit sa kanya bilang isang kaibigan.

Ang salamin din ay maituturing din na bestfriend ng mga babae, karamihan kasi sa mga babae ay conscious sa kanilang mga hitsura kaya lagi silang may dala-dala nito.

Isang bagay na kaparehas ko sa salamin ay ang pasasabi ng totoo, gaya ng salamin, kung anong mukha ang ihaharap mo rito yon at iyon pa rin ang ipapakita sayo wag kang umasang pag di ka ganon kagandahan at pag humarap ka sa salamin ay maganda ka na. Gaya nga ng isang salamin nagsasabi ng totoo.

See also  17. Alin Sa Mga Sumusunod Ang Unang Dapat Gawin Sa Pagsulat Ng Sinopsis O Buod? A. Basa...

Ito ang mga bagay na maiihalintulad ko sa aking sarili sa mga katangian ng salamin. Mga ugali at mga katangian na meron sa isang salamin, positibo man o negatibo.

#CarryOnLeaning-,-