Babasahin Na Kuwento: ⊱┈──────────────────────┈⊰ Paglaban Sa COVID-19 Hay, Mayroon Na Raw…

Babasahin na kuwento:
⊱┈──────────────────────┈⊰
Paglaban sa COVID-19

Hay, mayroon na raw iba-ibang variant ang coronavirus at nakapasok na raw dito sa bansa! Mas mabilis raw itong makahawa.

Nakaupo ako sa harap ng telebisyon at nanonood ng balita. Nakalulungkot naman na araw-araw, patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19.

Natitiyak ko, punuan na naman ang mga ospital kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon. Kawawa naman ang frontliners. Siguradong mahabang oras na naman ang kanilang duty sa mga ospital. Bakit nga ba parang bumabalik na naman sa dati ang kalagayan ng bansa at tila mas malala pa ngayon kaysa noong nag-umpisa ito noong isang taon?

Noon tumabi sa akin si Ate Neneng. “Urong-urong ka nga d’yan, Bunso,” sabi niya, sabay upo sa sopang kinasasalampakan ko, tuloy yakap sa akin. Ganoon kasi si Ate. Ako raw kasi ang kaniyang bunsong kapatid. Siyam na taon kasi ang aming pagitan.

Sabay naming pinanood ang pagbabalita sa telebisyon. Hanggang sinabi niya, “Naku, sana nama’y matapos ang kinakaharap na ito ng buong mundo. Sana bumalik na sa normal ang buhay ng mga tao. Kawawa naman ang mga doktor, mga nars, at iba pang mga frontliners. Isang taon na silang sumasabak sa giyerang ito laban sa COVID-19. Pagod na pagod na sila at marami na silang naging sakripisyo.

Napatingin ako kay Ate. Naikuwento na kasi niya noon sa akin ang hirap na naranasan ng mga doktor at nars sa ospital para sa pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19. Ang haba ng oras ng kanilang duty sa ospital, ang init ng suot nilang PPE, at ang iba’y nagkakaroon na rin ng sugat sa mukha sanhi ang kanilang mask at face shields.

See also  Kahalintulad Ni Nana Ducia

Talagang nakakatakot ang Coronavirus na ito. Mahirap man o mayaman—wala raw sinanto! Sabi nga ni Ate, parang dilubyo! Naiisip ko tuloy ang kalagayan ng mga pasyente sa labas ng ospital na naghihintay na magkaroon ng bakanteng kuwarto upang sila ay makapasok. Sabi sa balita, ang iba ay nasa tent habang naghihintay at ang iba ang nasa loob ng kanilang sasakyan. Ang nakalulungkot pa, mayroong inaabutan na rin doon ng pagkamatay na hindi na nakapasok sa ospital.

Hanggang matitigan ko si Ate na noon ay hindi maalis-alis sa telebisyon ang mga mata. Napansin niya ako at natatawang nagsabi, “Uy, uy… h’wag mo akong titigan nang ganyan, ha? Tiyak, marami ka na namang mga tanong.” Ay, ang ate ko talaga… kilalang-kilala ako! Kaya naman tuloy-tuloy akong nagtanong, “Ate, ano ba ang mga dapat gawin para makaiwas at hindi mahawa ng COVID-19?

Kapag ba nabakunahan na ay hindi na mahahawa ng COVID-19? Lampas-tainga ang ngiti ni Ate nang sumagot, “Sabi ko na nga ba, e! Mag-iinterbiyu ka na naman. Isa-isa lang ang tanong, puwede?” At muli niya akong niyakap.

Alam ko, sasaguting lahat ni Ate ang mga tanong ko. Kaya lang, alam ko ring tatanungin muna niya ako para daw mag-isip ako tungkol sa mga tanong ko. Kasi raw kasintalino niya ako.

Ganoon nga ang nangyari. Ako nga ang kaniyang tinanong “Ano nga ba sa palagay mo ang mga dapat gawin upang makaiwas at hindi mahawa ng COVID-19?”

Napasimangot ako, “Ang daya mo naman! Ikaw nga ang tinatanong, e.”

Ginulo ni Ate ang buhok ko, sabay sabi, “Ganito ‘yon… upang makaiwas at hindi mahawa ng COVID-19 dapat sundin ang safety protocols.“ Bigla akong napasagot, “Oo, narinig ko nga yan sa balita! Dapat maghugas lagi ng kamay, magsuot ng mask at panalitihin ang tamang distansiya kapag nasa pampublikong lugar. Dapat din manatili sa bahay ang mga bata at mga matatanda upang hindi mahawa.”

See also  Magbigay Ng Mga Posibleng Tanong Sa Pageant (Miss Brangay Etc)​

Tahimik at nakangiti na nakikinig sa akin si Ate, sabay sabi… “Hay, naku, mana ka nga sa akin! Sabi ko na sayo, alam mo ang sagot, e” Napangiti rin ako at inulit ko ang isa ko pang tanong kay Ate, “E kapag ba nabakunahan na, hindi na mahahawa ng COVID-19?”

Umayos nang pagkakaupo at humarap sa akin si Ate. “Ang sabi ng mga kawani ng Department of Health o DOH, hindi raw ibig sabihin na nabakunahan ka na ay hindi ka na mahahawa ng COVID-19. Nagbibigay lang ito ng proteksiyon sa mga tao na hindi maging malala ang kondisyon kung sakaling mahawa man. Makatutulong ang bakuna upang magkaroon tayo ng panlaban sa virus.” Naliwanagan ako at napahawak sa kamay ni Ate. “Kaya kailangan pa rin pala natin mag-ingat.” Tumango si Ate at malumanay na nagsalita. “Kahit magkaroon na tayo ng bakuna, mag-iingat pa rin tayo, susundin pa rin ang safety protocols, maging malinis sa kapaligiran, at kumain lagi ng masustansiya para malakas ang resistensiya, tama ba?”

“Tama, Ate! Sang-ayon ako sa mga sinabi mo at umasa kang susunod ako, lalo na ang pagkain nang masustansiya.”

Tumawa nang malakas si Ate, sabay tumayo at nag-ayang kumain ng meryenda.
⊱┈──────────────────────┈⊰

Tanong:
⊱┈──────────────────────┈⊰
Aral na napulot sa binasang kuwento
⊱┈──────────────────────┈⊰

50points
Maayos na sagot po kailangan ko​

Quantitative research is a research strategy that focuses on quantifying the collection and analysis of data. It is formed from a deductive approach where emphasis is placed on the testing of theory, shaped by empiricist and positivist philosophies.

Babasahin Na Kuwento: ⊱┈──────────────────────┈⊰ Paglaban Sa COVID-19 Hay, Mayroon Na Raw…

Ano ang pag ibig para sayo sanaysay. Sayo ang kahulugan ibig. Para sayo ano ang tunay na pag-ibig

See also  Tingin Ko Hindi Ganoong Kahusay Ang Mga Ofw Na Propesyonal Sa Ibang Bansa Ka...

Sayo Ang Buhay Ko Lyrics - Hot Bubble

Para sayo ano ang pagbasa?. Tula para sa kaibigan tagalog. Pag ibig sayo kahulugan batid wagas

Para Sayo Ano Ang Kahulugan Ng Pagmamahal

Pag ibig sayo kahulugan batid wagas. 1. ano ang pamagat ng tekstong pampanitikan na iyong binasa?2. anong. Tagalog pag-ibig quotes that we can relate to ~ boy banat