Ano-ano Kaya Ang Dapat Isaalang-alang Sa Pagpili Ng Disenyo Sa Pananaliksik Bakit…

ano-ano kaya ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng disenyo sa pananaliksik bakit dapat iangkop ang disenyo sa kalikasan ang ginagawang pag-aaral?​

Answer & Explanation:

Sa pagpili ng disenyo ng pananaliksik dapat tinitingnan ng sumusulat kung naayon ba ito sa layunin at sa tangkang paraan ng pangangalap ng datos ng papel. Halimbawa, kung penomena, pananaw, o karanasan ang susukatin sa paksa kailangang gumamit ng kuwalitatibong disenyo. Karaniwan ito sa mga pangangalap ng datos na nakikipanayam at etnograpiya. Kung nakatuon naman sa bilang, numero, o galaw ng datos ang pananaliksik, gumagamit naman ito ng kuwantitatibong disenyo. Karaniwan ito gumagamit ng statistical treatment gaya ng pangangalap ng datos sa sarbey o talatanungan.

Maari ring isaalang-alang ng mananaliksik ang mga pangunahing metodo sa pananaliksik-panlipunan gaya ng penemenolohikal, historikal, deskriptibo,  korelasyonal, grounded theory, etnograpiya, kuwentong-buhay, eksperimentasyon, aral-kaso, aksyong pananaliksik, pagmamapa, pananaliksik-leksikograpiya, transkripsyon, obserbasyon at iba pang kapakipakinabang na metodolohiya. Mas maraming nalalaman na disenyo ang mananaliksik ay mas magagabayan siya nito sa tamang pagpili.

#BRAINLYFAST

See also  Ano Ang Misyon Ni Darna? Talakayin Ang Kanyang Pakikipagsapalaran