Ano Ang Ugnayan Ngkita, Pag Iimpok At Pamumuhunan
ano ang ugnayan ngkita, pag iimpok at pamumuhunan
Answer:
KAUGNAYAN NG KITA, PAG IIMPOK AT PAMUMUHUNAN
Ano ang kita?
brainly.ph/question/533554
- Ang kita ay maaring sweldo sa pamamagitan ng pag tatrabaho ng isang tao, maari ding mula sa kanyang tubo sa kanyang negosyo. Sa madaling salita ang kita ay maaring fixed o hindi, sa mga siniswelduhan ito ay fixed na lalo na kung buwanan, meron din namang per oras ang kanilang sweldo, o per piece ang bayad sa kanila.
May kaugnayan ba ang kita sa pag-iimpok?
- Meron. Kapag ang tao ay may kita siya ay maaring makapag-impok. Maari siyang kumuha ng at least 20 porseyento sa kanyang kinikita o depende sa kanyang ninanais na itabi. Kapag malaki ang ipon ng isang tao may posibilidad na hindi siya mahihirapan kapag may mga pangangailangan siya sa hinaharap. Halimbawa kung siya ay magtatayo ng bahay o bibili ng sasakyan o magtatayo ng negosyo maari niyang maging source ang kanyang inipong salapi. Mas maganda ang takbo ng buhay ng taong may -ipon kesa wala sapagkat ang taong may ipon ay may madudukot sa oras na kailangan niya ang salapi.
May kaugnayan pa ang pag-iimpok sa pamumuhunan?
Meron. Ang inipon ng tao mula sa kanyang pagsisikap ay maaring maging kapital o puhunan nya sa isang negosyo. Ang kapital ay maaring physical capital, social overhead capital o human capital. Ang pamumuhunan na may kaugnayan sa pag-iimpok at kita ay tumutukoy sa physical capital o social overhead capital. Bago maka tayo ang isang tao ng sPhysical capital kailangan nya ng pera na pambili ng mga makinarya o appliances na magagamit niya sa kanyang negosyo.Kailangan din ng pera sa social overhead capital sapagkat bago makatayo ang isang negosyante ng impratraktura ay kailangan din nito ng pera.
ang kahalagahan ng pagiimpok at pamumuhunan
brainly.ph/question/1252837
brainly.ph/question/481428