Ano Ang Tamang Deskripsiyon Ng Ekonomiks​

Ano ang tamang deskripsiyon ng ekonomiks​

Answer:

Ang ekonomiks ay ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang walang katapusang kagustuhan.Ang ekonomiks rin ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong pinagkukunang-yaman upang makagawa at maipamahagi ang iba’t ibang produkto at serbisyo sa mga tao at iba’t ibangt pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Matututuhan mo ang tamang desisyon sa tamang sitwasyon. Malalaman mo ang kahalagahan ng pagtupad at pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal sapagkat sa ating kamay nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya. Ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan ukol sa pang-araw araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano naapektuhan ang pamumuhay ng tao sa mga pangyayari sa ating lipunan. Ang kaisipang pangkabuhayan , pampulitika at pangmoralidad ay ipinaliliwanag ng ekonomiks na makatutulong sa paglinang ng wastong asal, gawi at kilos ng tao sa lipunan.

HOPE IT HELPS PO

See also  What Do Rehas And Tanikala Symbolize