Ano Ang Pagkakaiba Ng Pag Iimpok At Pamumuhunan

Ano ang pagkakaiba ng pag iimpok at pamumuhunan

Answer:

PAGKAKAIBA NG PAG IIMPOK AT PAMUMUHUNAN

Ano ang pagiimpok

  • Ang pagiimpok ay ang pag-iipon ng salapi upang may magamit sa mga posibleng pangangailangan sa hinaharap.
  • Mayroong mga paraan at mapagpipilian kung saan maaring mag impok ito ay tulad ng sumusunod:

1. Pag-ipon sa piggy bank o mga alkansiya sa kanya kanyang tahanan.

2. Pag-ipon sa banko-ito ay upang lumago ang kanyang pera sa pamamagitan ng interest na ipapataw ng banko mula sa posibleng gagamit ng kanyang salapi.

  • Kinakailangan ng isang tao ng disiplina upang maabot niya ang kanyang nilalayon sa pag-ipon

Ano ang pamumuhunan?

  • Ang pamumuhunan naman ay maaring pera, oras, enerhiya bagay na iginagastos ng isang tao upang ito ay magbunga sa nakatakdang panahon sa hinaharap.

Halimbawa:

  • Si Nena ay gustong magkaroon ng isang matagumpay at malaking tindahan sa loob ng 5 taon dahil sa layuning ito  siya ay mamumuhunan ng pera, oras at enerhiya upang makamit niya ang kanyang minimithing matagumpay na negosyo.
  • Si Alan ay namuhunan sa isang insurance investment upang sa hinaharap ay magkaroon siya ng pera bilang tubo sa paggamit ng kanyang pera na kanyang pinuhunan sa kumpanya.

Sa pagiimpok kung ano ang halaga na iyong inilagay sa alkansiya iyon lng ang iyong makukuha sa hinaharap.

Ang pag-iimpok din sa banko ay may kaukulang interest rate lamang na binibigay ng isang banko sa depositor.

Samantalang sa pamumuhunan ay may mas malaking return on investment sa hinaharap lalo na kung ito ay inilagay o pinuhunan mo sa isang negosyo.

See also  Bakit Mahalagang Matutunan Ang Paggamit Ng Mga Kagamitang Panukat?​

Pag-iimpok at pamumuhunan

brainly.ph/question/2461721

brainly.ph/question/527925

brainly.ph/question/272408