Ano Ang Pagkakaiba Nang Alamat Nang Chocolate Hills At Alamat Ng Kailangan
ano ang pagkakaiba nang alamat nang chocolate hills at alamat ng kailangan
Answer:
mag kaiba ng tauhan at pag kaka kwento
Explanation:
sana makatulong
Answer:
Alamat ng Chocolate Hills Buod
- Ang alamat ng Chocolate Hills ay tungkol sa dalawang higanteng mortal na magka-away. Dahil sa kanilang bangayan, kaya nabuo ang mga ito.
KONTEKSTO
- Alam ng marami ang kuwento tungkol sa dalawang higanteng nagtapon ng putik sa lalawigan ng Bohol. Ang tanyag na alamat na ito ay galing sa salaysay ng mga sinaunang Boholano. Ipinamana ang alamat na ito sa pamamagitan ng pagkukuwento ngunit nagkaroon ng iba’t ibang bersiyon tungkol sa pinanggalingan ng Chocolate Hills. Kilala ng buong Bohol at halos ng buong Pilipinas ang alamat tungkol sa dalawang higanteng gumawa ng kasalukuyang Chocolate Hills.
ANG ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS
- Noong sinaunang panahon, sa lalawigan ng Bohol, may isang malawak ngunit tuyong lupa. Tuwing tag-init, makikita ang napakaraming biyak at tuwing tag-ulan naman, napakaputikan ang lupaing ito. Kung panahon naman para sa taniman, parang may nalatag na berdeng kumot na tinatakpan ang lupa.
- Isang araw, dalawang higante ang dumating sa isla sa magkabilang dulo, ang higanteng nagmula sa hilaga at ang higanteng nagmula sa timog. Natakot ang mga naninirahan sa lupain na baka magkita at mag-away ang mga higante,Sa kasamaang palad, ito nga ang nangyari.
- Nagkasalubong ang dalawang higante at nag-away tungkol sa pag-aari ng lupaing iyon. Nais ng dalawang higante na angkinin ang lupa para sa sarili ngunit lumipas ang oras at hindi pa tapos ang kanilang pag-aaway.
- Katatapos lang ng tag-ulan at maputik ang kinatatayuan nila. Dahil sa matinding galit ng bawat isang higante, ay nagbato sila ng putik sa isa’t isa hanggang nawalan sila ng lakas. Sa sobrang hina ng dalawa, parehong natumba at namatay ang mga higante.
- Marami ang nakasaksi sa pangyayaring ito at sila’y namangha sa mga burol na gawa sa putik na inihagis ng mga higante. “Chocolate Hills” ang tawag ng mga naninirahan doon sa mga burol at sila’y namuhay nang mapayapa.
BAKIT MAHALAGA ITO?
Ipinapakita nito ang pagkausyoso ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang kapaligiran. Gusto nilang maipaliwanang ang kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng mga orihinal at malikhaing alamat na ipnapamana sa susunod na henerasyon. Dito rin makikita ang talino at imahinasyon ng ating mga ninuno. Bahagi ito ng ating matingkad na kultura.