Ano Ang Pagkakaiba At Pagkakatulad Tungkol Sa Dula Bg England: Sintahang Romeo At Juliet…

ano Ang pagkakaiba at pagkakatulad tungkol sa dula bg england: sintahang Romeo at juliet

Answer:

Ang Romeo at Julieta (Ingles: Romeo and Juliet) ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare. Ang dula ay patungkol sa una sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya’t naging magkaaway, kung kaya’t ang lahat ng kanilang kabataang mga tagapaglingkod ay naging magkakaaway din. Ang kabataang mga lalaking naglilingkod para sa mga Montague at sa mga Capulet ay nasali sa mga barkada o mga gang at naglalaban-laban sa mga kalye. Dahil sa naging gawi ang pagdadala ng espada, kung minsan mayroong mga nasusugatan. Ang Verona ay pinamumunuan ni Prinsipe Escalus. Sinabi niya sa mga Montague at sa mga Capulet na dapat na mawala na ang mga paglalaban-laban, dahil kung hindi ito titigil ay magbabayad sila na hahantong sa kaparusahan, subalit napakahirap na kontrolin ang kabataang mga lalaki.

Sa mga Montague ay mayroong nag-iisang pansalinlahing supling, isang lalaking nasa kaniyang kabataan na nagngangalang Romeo. Mayroon ding nag-iisang pansalinlahing supling ang mga Capulet, isang babaeng maganda na nasa kaniyang kabataan, may edad na 13, na tinatawag na Julieta. Hindi magkakilala ang dalawang kabataang sina Romeo at Julieta, dahil si Julieta ay hindi nagpupunta kahit saan man na hindi kasama ang kaniyang yaya. Subalit nagkakilala sina Romeo at Julieta sa isang handaan at sila ay umibig sa isa’t isa. Ang kanilang pag-iibigan ay dapat sanang makapaghihilom sa lahat ng mga suliranin sa pagitan ng kanilang mga mag-anak, ngunit dahil nasa kanilang kabataan pa lamang sila, inisip nilang mapapahamak lamang sila mula sa kanilang mga magulang, kung kaya’t nagpakasal sila nang palihim. Dahil sa kanilang lihim na pagpapakasal, isang magkakasunod na mga pangyayari ang naganap na humantong sa maraming mga pagkamatay.

Explanation:

See also  How To Make An Spoken Poetry Na Ang Tema Ay Wikang Katutubo...