Ano Ang Nagbigay Daan Sa Pagkakaroon Ng Sistemang Manoryalismo Sa Europa​

ano ang nagbigay daan sa pagkakaroon ng sistemang manoryalismo sa europa​

Explanation:

Manoryalismo

Ang manoryalismo, senyoralismo, o senyoryo ay isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang-kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Ang sistemang ito ay hindi rin nagtagal ng mahabang panahon. Isa itong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno, o may-ari bilang kapalit ng proteksiyon.

Sistemang Manoryal

Ang pang-ekonomiyang katapat ng pyudalismo ay manoryalismo. Ito ay sistemang gumagabay sa paraan ng pagsasaka, ng buhay ng mga magbubukid at ng kanilang ugnayan sa isa’t-isa at sa lord ng manor. Ang sistemang manoryal ay ang sistemang pang-akonomiya noong Gitnang Panahon. Sa manor nanggagaling ang halos lahat ng produkto at serbisyong kailangan ng mga tao.

Ang manor ay isang malaking lupaing sinasaka. Ang malaking bahagi ng lupain na umaabot sa 2/3 ay pag-aari ng lord.

Ang maharlika ang pinakamataas na uri ng mga tao sa sistemang manoryal na kinabibilangan ng mga panginoon ng lupa, obispo at abbot. Samantala, ang mga manggawa ay nahahati sa dalawang uri: ang malalayang tao o freemen at mga serf o magbubukid.

Pagsasaka:Batayan ng Sistemang Manor

Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito.

Ang sistema ng pagtatanim na sinusunod ng mga manor ay tinatawag na three-field system. Hinahati ang lupain sa tatlong bahagdan. Ang isang bahagdan ay maaaring tamnan. Ang ikalawa ay gulay at ikatlo ay hindi tatamnan.

See also  Katangian Ng Cavite (Kabite)

Ang pamamahala sa Manor

Ang panginoong pyudal ay karaniwang abala sa pakikidigma. Sa ganitong pagkakataon ang pamamahala sa manor ay ipinagkakatiwala sa mga piling opisyales.

Ang “steward” ang mgay pinakamataas na ranggo. Siya ang legal na tagapamahala sa korte ng manor.  

Ang “bailiff” naman ang nangangasiwa sa mga gawain ng magbubukid at sa pagsasaka. Siya ang namamahala sa pagkukwenta ng salapi at paniningil ng upa, multa at iba pang bayarin.

Ang “reeve” ay tumutulong sa “bailiff”. Sila ang namamahala sa papaparami ng dayami at sa pag-aalaga nito atbp.

Ang mga “serf” naman ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Dahil sa wala siyang pinag-aralan at itinuturing na walang alam