Ano Ang Mga Pangyayari Sa Alamat Ng Chocolate Hills?

Ano ang mga pangyayari sa alamat ng chocolate hills?

Answer:

Alamat ng Chocolate Hills

Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali’t ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali’t kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.

Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya’t nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.

“Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!” Ito’y aking pag-aari at umalis ka na,” galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog . ” Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin.”

“Aba!, ako yata ang nauna rito at ito’y pag-aari ko na!” sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. “Ikaw dapat ang umalis!”  

Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!” sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol.

“Lalong hindi maaari!” mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali’t gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.

Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.

Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills

“Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!” sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol.

“Lalong hindi maaari!” mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali’t gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.

Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.

Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.

Explanation:Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-chocolate-hills
/ nandito po un buong kwento

ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS:

ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS BUOD

DALAWANG HIGANTE

MGA BUROL

ANG CHOCOLATE HILLS

ARAL SA ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS

Alamat ng Chocolate Hills Buod

Ang alamat ng Chocolate Hills ay tungkol sa dalawang higanteng mortal na magka-away. Dahil sa kanilang bangayan, kaya nabuo ang mga ito.

Noong unang panahon, ang kinaroroonan ng Chocolate Hills sa Bohol ay isang malawak na kapatagan. Tuwing tag-ulan, maputik ang buong lupain pero pagkatapos noon ay nagiging berde dahil sa damong tumutubo roon. Kapag tag-init naman, ang lupa ay bitak-bitak.

Dalawang Higante

Isang maulang araw, dalawang higante ang dumating sa lupain ng Bohol. Natakot ang mga tao dahil baka magpang-abot ang dalawa at mag-away. Kaya naman, lumikas sila pansamantala.

Sa kasamaang palad, nag-abot nga ang dalawa at nag-away. Nagbabangayan sila kung sino ang dapat na may-ari ng pulo. Hanggang ang isa sa kanila ay napikon. Dumakot ito ng putik at ibinato nito. Gumanti naman ang isa.

Mga Burol

Nagpatuloy ang dalawa sa pagbatuhan hanggang ang isang higante ay napuruhan nito ang kalaban. Natumba ang isa at nawalan ng malay. Dahil masama ang pagkakabagsak nito, namatay ito.

Sa tuwa ng nagwagi, talon ito ng talon hanggang sa bigla niyang naramdaman ang paninikip ng kanyang paghinga. Sa kalaunan, bumagsak din ito sa putikan.

Makalipas ang ilang linggo, nagbalik ang mga tao sa nayong iyon. Namangha sila sa nakita. Mga burol na nagkumpol-kumpol sa kapatagang iyon.

Buod/Summary:

Alamat ng Chocolate Hills Buod

Ang alamat ng Chocolate Hills ay tungkol sa dalawang higanteng mortal na magka-away. Dahil sa kanilang bangayan, kaya nabuo ang mga ito.

See also  Halimbawa Ng Pasasalamat Na Liham Para Sa Guro At Magulang