Ano Ang Kaugnayan Yamang Likas Sa Yamang Tao??

ano ang kaugnayan yamang likas sa yamang tao??

Answer:

 Ekonomiks

Aralin 1:

Kahulugan ng Ekonomiks

Ang ekonomiks ay ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang walang katapusang kagustohan.Ang ekonomiks rin ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong pinagkukunang-yaman upang makagawa at maipamahagi ang iba’t ibang produkto at serbisyo sa mga tao at iba’t ibangt pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Aralin 2:

Kakapusan

Lahat ng ekonomiya ng bansa sa mundo ay hinahamon ng isang suliraning may kaugnayan sa kalagayan ng pinagkukunang likas na yaman at kung papaano nito matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang suliranin ng kakapusan ay ang katotohanan na hindi kayang tapatan ng anumang bansa ang pangangailangan ng mga tao nito.

Introduksyon

Maihahalintulad natin ang ekonomiya sa isang mekanismo sapagkat ito ay dynamiko at palaging nagbabago. Ang mga pinagkukunang-yaman na ginagamit sa pagbuo ng kalakal at paglilingkod ay limitado. Samantala, ang mga kagustuhan at pangangailangan ng tao ay tila walang hangganan. Bunga ng di-balanseng ugnayan na ito ang kakapusan. Dahil dito, may konseptong trade-off, kung saan tinitimbang ang kagandahan nang supply ng isa sa iba.

ang tatlong palatandaan ng kakapusan

ang KONSEPTO NG KAKAPUSAN

ANG dalawang uri ng kakapusan

ABSOLUTE

RELATIVE

Sa Yamang Likas – pagkasira at pagkaubos ng mga hayop, halaman, at mga bagay na walang buhay

Sa Yamang Tao – pangunahing indikasyon ng kakapusan ay ang haba ng buhay ng tao

Sa Yamang Kapital – hindi maingat na paggamit sa capital, maaaring magkulang sa maintenance ang isang makina

See also  Gawain Sa Pagkatuto Bilang 2: Bawat Bansa Ay May Kaniya - Ka...

MGA MAARING SOLUSYON SA HAMON NG KAKAPUSAN

Bilang isang mamamayang Pilipino, ano kaya ang magagawa ko?

konklusyon sa ulat

Dahil sa kakapusan, kailangan ng tao ang wastong pagpili sa mga bagay na nais niyang bilhin. Nagkakaroon ng opportunity cost sapagkat may kakapusan ang pinagkukunang-yaman. Ito ay nagiging isang panlipunang suliranin ang kakapusan kapag hindi nakakamit ng tao ang kanyang layunin. Upang maging responsable ang tao sa kanyang pagdedesisyon, kailangan niyang mabatid ang opportunity cost ng kanyang mga desisyon.

Aralin 3:

Pangangailangan at Kagustuhan

Ang pagkain,damit, at tirahan ay mga batayang pangangAailangan  ng tao sapagkat hindi maaring mabuhay ang tao kung wala ang mga ito. Ang kagustuhan ay mga bagay na maaaring wala ang isang tao, ngunitmaaari  parin siyang mabuhay. Hinahangad lamang ng tao ang mga ito upang makadama ng kasiyahan na higit pa sa natatamo sa mga pangunahing pangangailangan.

Batay sa teorya ni Abraham Harold Maslow, habang patuloy na napupunan ng mga tao ang kanilang batayang pangangailangan, sila ay naghahanap naman ng mas mataas na pangangailangan ayon sa pagkakasunod-sunod sa isang herarkiya.

Batay sa teorya ni David McClelland, ang pangangailangan ay may tatlong uri– ang natamo, kapangyarihan, at pagsapi.