Ano Ang Kahulugan Ng Dagli? At Ano Ang Halimbawa Nito?

Ano ang kahulugan ng dagli?

At ano ang halimbawa nito?

Dagli: Kahulugan at Halimbawa Nito

Ano ang Dagli?

Ang salitang Dagli ay maituturing na maikling kwento na nasa anyong pampanitikan. Pinaniniwalaan na ito ay nagsimulang lumaganap noong unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano sa bansang Pilipinas. Bagama’t ito ay naihahalintulad sa maikling kwento, kinakailangang mas maikli ito. Subalit wala itong tiyak na angkop na haba upang maituring na isang dagli. Ang sumusunod ay isang halimbawa ng dagli:  

Halimbawa

Pamagat: Alas Diyes

Suot mo ang wrist watch ng Kuya Jigs mo. Pamana niya sa iyo. Hindi, hindi pala direktang bigay at ipinamana. Basta isinuot mo isang araw nang mapansin mong nakatabi lang sa loob ng drawer ng inyong tokador sa kuwarto. Pumapalya raw, tumitigil kapag tumatapat sa alas-diyes at nakakainis nang gamitin kaya pinagpahinga na ng Kuya Jigs mo. Nanghihinayang ka, hindi dahil isa itong modelo ng TIMEX, kung hindi dahil natatandaan mong regalo ito ng tatay n’yo sa Kuya Jigs mo nang gumradweyt siya ng haiskul. Isinuot mo nga at ipinagpaalam mo sa Kuya Jigs mo pagkatapos. Oobserbahan mo kamo at baka mahina lang ang baterya. Pumayag naman, sabay nagpakara na kung gusto mo ay sa iyo na lang. Na labis mo namang ikinatuwa.


At Kakatwa! Noong mapasakamay mo ang wrist watch, hindi mo man lang nakitaan ng pagloloko. Naghinala ka pa nga na baka ayaw na lang talaga ng Kuya Jigs mo sa relo at idinadahilan ang diumano ay pagpapalya para may maituro kung bakit hindi na isinusuot. Anuman, gusto mo pa ring malaman ng Kuya Jigs mo. Saka naman nangyari, alas-diyes ng umaga, tumigil, hindi ang pitik ng orasan, kundi ang hininga ng Kuya Jigs mo, nang gigisingin sana at abutan ng nanay ninyo sa loob ng inyong kuwarto na matigas na at hindi na humihinga. Isinugod pa siya sa malapit na ospital ngunit dead on arrival na. Hindi na siya nasagip sa kalawit ng bangungot.


Ngayon nga ay suot mo pa ang wrist watch ng Kuya Jigs mo. Minsan man, mula nang mapasakamay mo, ay hindi pa pumapalya. Iniisip mo, totoo kaya ang dahilan ng Kuya Jigs mo kung bakit hindi na niya ito isinusuot? At kung totoo man– baka premonisyon na ito ng oras ng kanyang magiging kamatayan.

Paghahambing ng Dagli at Maikling Kwento: https://brainly.ph/question/237060

https://brainly.ph/question/256066

#LearnWithBrainly

Ano Ang Kahulugan Ng Dagli? At Ano Ang Halimbawa Nito?

dagli halimbawa maikling kwento elemento pilipinas nagsimula paano layunin kailan lumaganap philippin pagkakaiba

Dagli at maikling kwento. Dagli ng halimbawa mga tungkol. Dagli halimbawa

halimbawa ng dalit - philippin news collections

halimbawa dalit tanaga tungkol pamilya kahulugan tanka filipino haiku part1 kalikasan diona pastoral kanta nito himno philippin kung kantang

Dagli halimbawa. Dagli halimbawa mga panitikan philippin tungkol. Dagli halimbawa

Dagli Halimbawa

dagli ng halimbawa mga tungkol

Dagli ng halimbawa mga tungkol. Dagli halimbawa tungkol mga kwentong kaibigan sarili pilipinas maikli kabataan philippin khadija kasalukuyan ira. Dagli halimbawa

Halimbawa Ng Pagsulat Ng Dagli

Parabula mga halimbawa pabula dagli bibliya tagalog dalaga sampung ilang. Halimbawa ng request letter sa tagalog maikling kwentong otosection. Dagli ng halimbawa mga tungkol

dagli kahulugan - philippin news collections

Dagli tungkol sa pangarap. Dagli halimbawa. Dagli at maikling kwento

See also  Magbigay Ng 2 Halimbawa Ng Pangungusap Na Mayroong Linalaman Ng Sanhi At Bunga.Ang Sagot N...