Ano Ang Awiting Bayan?
ano Ang awiting bayan?
Answer:
Ang mga awiting-bayan o kantahing-bayan ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin. Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, Manang Biday at Paruparong Bukid.
Nanatiling paksa ng mga awiting-bayan ang katutubong kultura. Pinaksa ng mga awiting-bayan ang tungkol sa damdamin ng tao, paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran, kahalagahan ng paggawa, kagandahan ng buhay, pananalig, pag-asa, pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, at paglalahad ng iba-ibang ugali at kaugalian.
Uri ng Awiting-bayan
Kundiman
Ito ay ang awit ng pag-ibig.
Halimbawa:
Dandansoy (isinalin mula sa Sugbuwanon/Cebuano)
Dandansoy, bayaan na kita
Uuwi na ako sa payaw
Kung sakaling maulila ka sa akin,
Tanawin mo lamang ako sa payaw
Dandansoy, kung susunod ka sa akin
Huwag kang magdadala ng tubig,
Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Humukay ka ng balon sa daan.
Awiting bayan ng bisaya ay karaniwang nagpapakita ng kanilang. Mga halimbawa ng awiting bayan at kahulugan nito baekahulu. Mga halimbawa ng katutubong awit
Lahat ng awiting bayan. Bayan awiting mga bulong kabisayaan mula lahat. Lahat ng mga awiting-bayan
Mga sinaunang awiting bayan. Bayan awiting mga halimbawa isang bisaya sumulat. Kahulugan at mga uri ng awiting bayan