Ano Ang Aral Sa Pelikulang Miracle In Cell No.7

ano ang aral sa pelikulang Miracle in cell no.7

Ang pelikulang Miracle in Cell No. 7 ay isang pelikulang dramang Pilipino na dinirekta ni Nuel Crisostomo Naval at pinagbibidahan ni Aga Muhlach at Bela Padilla. Ang pelikulang ito ay nakabase sa isang South Korean na pelikulang may parehong pamagat at dinirekta ni Lee Hwan-Kyung.

Umiikot ang pelikula kay Lito isang lalaking may kapansanan sa pag-iisip na maling inakusahan sa slaang pagpatay sa anak na babae ni Sekretaryo Yulo pati na rin ang kanyang kagustuhan panatilihin ang kanyang relasyon sa kanyang anak na si Yesha tulong ang kanyang mga kabilanggo.

Itinalakay sa pelikula ang isyu ng “death penalty”, isang kritikal na paksang tinatalakay ngayon lalo na sa ating bansa. Sa pamamagitan ng pelikula ay nalaman nating hindi isang magandang solusyon ang pagpapatupad ng “death penalty” lalo na sa ating bansa kung saan hindi pantay ang pagbibigay ng kaukulang parusa at hindi pantay na hustisya lalo na sa pagitan ng mayaman at mahirap, naapi at inakusahan, biktima at maysala.

Matututunan din sa pelikula na:

  • Huwag magpadala sa galit
  • Kahit sa gitna ng kadiliman ay may matatagpuang liwanag
  • Maraming mukha ang isang istorya
  • Ang halaga ng isang tao ay hindi natutukoy sa kanyang mga pagkakamali o kakulangan (kawalan)

Para sa iba pang impormasyon, maaring bisitahin ang sumusunod na link:

https://brainly.ph/question/1974082

See also  1.anong Isyu Ngayon Tungkol Sa Politika? 2.paano Ito Masosolusyonan...