Ang Tekstong Impormatibo Ay? Magbigay Ng Anim (6) Na Halimbawa.
Ang tekstong impormatibo ay?
Magbigay ng anim (6) na halimbawa.
Sagot:
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na paliwanag sa paksang tinatalakay.
Mga Halimbawa:
1. Si Elha Nimfa ang itinanghal na ikalawang The Voice Kids grand champion.
2. Sa Lunes ay gagawin ang isang malawakang transport strike bilang pagtutol sa modernisasayon ng mga jeep.
3. Ang tugmang de gulong ay ang mga akdang nababasa sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep, bus, at tricycle.
4. Sekreto raw ni Marie sa kaniyang matataas na grades ang madalas na pagbabasa.
5. Ang kape ay nagtataglay ng caffeine na maaaring makapagpabilis ng tibok ng puso ng tao.
6. Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng republika ng Pilipinas.
#CarryOnLearning