Ang Magkaibigan Na Sina Paco At Pinky Ay Malapit Sa Isa’t-isa. Si Paco Ay Nas…

Ang magkaibigan na sina Paco

at Pinky ay malapit sa isa’t-isa. Si

Paco ay nasa ikaanim na baitang at si

Pinky naman ay nasan ikalimang

baitang. Isang araw ay humingi ng

tulong si Pinky kay Paco sa kaniyang

proyekto sa online class.

“Kuya Paco, maaari n’yo po ba

akong tulungan sa aking proyekto sa

asignaturang matematika? Alam kong

mahusay ka dito at nahihirapan po

kasi ako.”

Tugon ni Paco, “Aba, syempre naman Pinky, tutulungan kita diyan sa iyong proyekto bukas. Tatapusin ko lamang ang aking takdang aralin sa online class.”

Tuwang-tuwa si Pinky sa sagot ng kaniyang kaibigan na si Paco, kung kaya’t naging abala na lamang siya sa iba pa niyang takdang aralin sa online class. Kinabukasan hinintay ni Pinky ang pagtupad ni Paco sa kaniyang pangako. Ngunit ito ay nakalimutan ni Paco. Naging abala siya sa paglalaro ng mobile games. Lumipas ang maghapon, hindi natupad ni Paco ang kaniyang pangako sa kaibigan. Kung kaya’t si Pinky ay nalungkot.

“Pinky, naging abala ako sa paglalaro at nakalimutan kong tulungan ka sa iyong proyekto sa matematika.” Paliwanag ni Paco sa kaibigan.

Hindi sumasagot si Pinky kay Paco at nanatili itong tahimik. Hindi malaman ni Paco kung ano ang kaniyang gagawin dahil nakita niyang masama ang loob ni Pinky sa kaniya at hindi siya kinikibo nito. Kung

kaya’t nag-video call si Paco sa kaniyang Nanay na isang Overseas Filipino Worker (OFW) upang humingi ng payo.

PIVOT 4A CALABARZON EsP G6 10

“Inay, ano pong dapat kong gawin? Hindi po ako kinikibo ni Pinky dahil hindi ko po siya natulungan sa kaniyang proyekto sa online class,” ang sumbong ni Paco sa kanyang nanay.

“Paco, tapatin mo nga ako, nangako ka ba kay Pinky na tutulungan

See also  Kalikasan Ating Pananagutan Ni: Jose T. Linsao, Jr. Tayo Ay Sagana Sa Likas Na...

mo siya?” tanong ng kaniyang ina.

“ O p o nangako po k ka n i y a

i n a y ,

ako sa

n g u n i t

nakalimutan ko po itong

gawin dahil naglaro po

ako ng mobile games,”

tugon ni Paco.

“Anak, anuman

ang mangyari, dapat ay

marunong kang tumupad

sa iyong pangako lalo na

sa iyong kaibigan. Ang

isa sa paraan upang mapanatili ang mabuting pagkakaibigan ay ang pagkakaroon ng isang salita,” pangaral ng kanyang nanay.

“Tandaan mo, ang pangako ay hindi dapat napapako. At ang pagtupad dito ay nagpapakita na ikaw ay isang responsable at tapat na bata. Ngayon dahil nabigo kang tuparin ang pangako mo, humingi ka ng paumanhin sa iyong kaibigan at tulungan mo siya sa kaniyang mga proyekto sa online class. At isa pa, magkaroon ka ng disiplina sa paglalaro ng mobile games. Limitahan mo ang oras ng paglalaro at huwag mong sayangin ang oras mo dito. Gumawa ka ng mas kapaki-pakinabang na bagay tulad ng pagtulong mo sa iyong kaibigan,” patuloy ng nanay.

Matapos ang videocall ay agad pumunta si Paco sa kaniyang kaibigan upang humingi ng paumanhin.

11 PIVOT 4A CALABARZON EsP G6

“Pinky, pasensiya ka na at di ko natupad ang pangako ko. Kung maaari sana ay mapatawad mo ako at nais ko sanang matulungan ka at bumawi sa iyong proyekto,” paliwanag ni Paco sa kaibigan.

“Kuya Paco, hindi kita kinikibo dahil nasaktan ang damdamin ko sa paglimot mo sa pangako mo. Huwag mo ng uulitin iyon ah,” tugon ni Pinky.

“Salamat Pinky at binigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para makabawi sa iyo. Natutunan ko na napakahalaga na tumupad at maging tapat sa pangakong binitiwan. Magiging responsable na ako simula ngayon at babawasan ko na ang oras ko sa mobile games. Pangako iyan

See also  Gawain 5. Gumawa Ng Isang Graphic Organizer Sa Bawat Paksang Tinalakay. A.may Ap...

kaibigan.” pangako ni Paco kay Pinky.

Mula nga sa araw na iyon ay nagsimulang magbago si Paco. Nag-aaral na siya at itinigil niya ang paglalaro ng mobile games.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa binasang kwento ni Paco at Pinky. Sa iyong sagutang papel, sagutin ang mga tanong.

1. Bakit mahalaga ang pagiging mapanagutan sa pangakong binitawan?

2. Ano ano ang mga kilos o gawain na nagpapakita ng pagiging responsable?

3. Ano ano ang mga hakbang upang mapanatili ang pagiging responsable?

4. Paano tayo naaapektuhan ng mga di-mabuting dulot ng pagiging iresponsable?

5. Ano ang mga dapat gawin kung ikaw ay di makatupad sa iyong ipinangako?

6. Naging iresponsable ba si Paco? Ipaliwanag.

7. Tama ba na sumama ang loob ni Pinky kay Paco? Ipaliwanag.

8. Ano ang naging epekto ng pagiging iresponsable ni Paco?

9. Bakit mahalaga na ikaw ay marunong humingi ng tawad sa tuwing hindi mo natutupad ang iyong ipinangako?

10. Ano ang iyong natutunan mula sa kuwento ni Paco at Pinky?

Explanation:

1. Dahil isa ito sa nagiging rason kung bakit nawawalan at nagkakaroon ng tiwala ang isang tao sa’yo.

2. Pagtupad sa Binitawang salita.

3. Pag-unti unti, hindi binibigla. Unti unti mong sikapin na maging responsable, tulad ng pagtupad sa pangako ang magiging unang hakbang mo.

4. Nasisira ang relasyong meron tayo.

5. Humingi ng tawad at wag nang ulitin.

6. Oo, halata naman. Sa halip na matulungan niya agad si Pinky, mas pumukaw ng atensyon niya ang cellphone niya.

7. Hindi, naghintay siya ng matagal kaya natural lang na sumama ang loob niya pero, dahil nag paliwanag naman agad si Paco. At kung hindi man nakapagpaliwanag agad si Paco sa kanya, hinintay niya muna sana.

See also  Tayahin Ang Pag-unawa: 1. Sa Iyong Pang-unawa, Ano Ang Importansya Ng Paglinan...

8. Muntikan nang masira ang relasyon nila ni Pinky.

9. Mahalaga ang pag-hingi ng tawad, lalo na’t alam mong ikaw ang may kasalanan.

10. Alamin muna ang sitwasyon bago magalit at laging tumupad sa pangako.

Brainliest lang pre

Answer:

1. dahil nagpapakita na ikaw ay isang responsable at tapat na bata.

2.pagsagot sa takdang aralin sa tamang oras,pagtupad sa mga pangako,pagiging tapat sa ginagawa

3.paggawa ng tungkulin at pagiging obligado sa isang bagay

4. minsan ay makakasakit tayo ng damdamin at mapapagalitan

5. humingi ng paumanhin at tupadin na ang pangako sa susunod

6.oo, dahil inuna niya ang paglalaro kesa sa pagtulong sa kanyang kaibigan na pinangakoan niya pa. Nakalimutan niya ang kanyang pangako na naging responsibilidad niya na.

7. Oo dahil umasa siya kay Paco at nasaktan siya sa ginawa nitong hindi pagtupad ng pangako. May rason naman kung bakit sumama ang loob ni Pinky.

8. Sumama ang loob ni Pinky at baka hindi siya nakapasa ng takdang aralin dahil hindi siya tinulungan ni Paco. Dahil din sa ginawa niya ay natutunan niya ang pagiging responsable. Gumagawa na siya ng takdang aralin niya at hindi naglalaro.

9. Mahalaga ito dahil dapat ang pangako ay natutupad. Umasa ang tao na tumupad ka sa pangako kung kaya’t kung hindi mo ito natupad ay makakasakit ka ng damdamin ng tao.

10. Ang pangako ay dapat matupad.

Ang pagiging responsable ay isa sa mahalagang katangian ng tao.

Explanation:

pa brainliest naman dyan.