Ang Hardin Ni Gwen At Lola Liling Isang Umagang Maganda Sa Bayan Ng Mas…
Ang hardin ni gwen at lola liling
isang umagang maganda sa bayan ng masagana,napadaan sina lito at ben sa bahay ni gwen. Si gwen ay malapit na kaklase nina ben at lito .bihira nilang makalaro si gwen dahil maaga pa itong umuuwi tuwing may pasok sa paaralan.
Araw ng sabado,kaya naisip nilang isama si gwen sa parke para maglaro.”Gwen,gusto mo bang sumama sa amin sa parke?Maglalaro tayo ng piko.”sabi ni lito.”O kayo pala ,pasensiya na tinulungan ko pa ang lola sa hardin.”sagot ni gwen.”sayang naman gwen saglit lang naman .””pasensiya na talaga ben,pumasok muna kayo upang magmeryenda”tanggi ulit ni gwen.
Pumasok ang magkaibigan at napansin ang masaganang hardin nila gwen.namangha ang dalawa sa mga tanim ng mga tanim na gulay,prutas at bulaklak sa bakuran ikaw ba ang nagtanim ng mga ito gwen tanong ni ben.Oo,ang iba naman ay tinanim ng lola ko.malaki ang natitipid ng aming pamilya sa pagkain dahil sa mga pananim sa hardin.naibenta rin ni lola sa palengke ang ibang gulay at prutas.sabi ni gwen.
Pumasok si lola ni gwen sa bahay na may dalang mga mangga,kalamansi at kamote.inihain ni lola liling ang mga ito sa mga kaibigan ni gwen masaya si gwen dahil nagutuhan nina lito at ben ang meryendang inialok sa kanila.Alam niyo bang mainam ang mga prutas at gulay sa katawan ?Ang mga iyan ay galing sa hardin namin sabi ng lola ni gwen.Opo lola,bukod sa masustansiya,masarap din po ang mga ito.sagot ni lito.
Di na natuloy sa parke si ben at lito minabuti nilang tulungan si gwen at lola liling sa pag-ani ng mga kamote at kamatis. iyon ang unang karanasan nila sa pagtatanim.bilang pasasalamat,ipinagbalot ni lola liling ang magkaibigan ng ibat ibang prutas at gulay.
Nasaan po Yung Tanong sa kwento?