Gupit-Bao Ayokong-ayokong Makakasama Si Nanay Kapag Magpapag…

Gupit-Bao

Ayokong-ayokong makakasama si Nanay kapag magpapagupit ako kasi laging siya ang nasusunod kung anong gupit ang dapat gawin sa akin ng barbero.

“Gawin mong gupit-bao,” utos ni Nanay kay Mang Pablo na nag iisang barbero sa aming lugar noon. Imumuwestra pa ni Nanay ang gupit na gusto niya sa akin. Basta

sa huli kailangang makita niya na parang may bao ng niyog na naiwan sa aking ulo. Ganoon karami lang na buhok ang kailangang matira sa aking ulo.

At magsisimulang gupitin ng malaking gunting ni Mang Pablo ang aking buhok na kay tagal kong hinintay na humaba. Dinig ko, parang humahalakhak ang malaking gunting ni Mang Pablo. Ang gusto ko kasi, gupit-binata. Gusto kong may nasusuklay ako. Gusto kong gumamit ng gel na usong-uso pa naman noon. Gusto kong ayusin ang buhok ko na patusok-tusok o kaya naman ay ihawi sa kanan ang buhok na nakababa sa aking noo. Gusto kong gayahin ang buhok ni José Rizal.

Pero balewala ang lahat ng pangarap kong ito sa aking buhok, dahil ang totoo pagkatapos kong gupitan, halos kalbo na ako.
Pagkauwing-pagkauwi ko sa aming bahay, agad akong haharap sa salamin. Mag-iiiyak ako. Pero kahit anong gawin ko, di na maibabalik pa ang nagupit kong buhok. Patatahanin ko ang aking sarili. Hahaba rin naman ang aking buhok.

Pero si Nanay, tuwang-tuwa pa. “Ayan! Kay linis-linis mong tingnan sa bago mong gupit!” sasabihin niya. Bakit kaya di ako tinatanong ni Nanay kung ano ang gusto kong gupit? Kung may pagkakataon, ako na mismo ang mag-isang nagpupunta kay Mang Pablo para magpagupit ng gusto kong gupit. “Anong gusto mong gupit?” tanong ni Mang Pablo. Gusto ko ang pakiramdam na ako na ang tinatanong at nasusunod sa gusto kong gupit. Bibilinan ko si Mang Pablo na huwag gaanong nipisan ang aking buhok. Gusto ko ring magkaroon ng patilya.

See also  Halimbawa Ng Deskriptibong Abstrak At Mga Paliwanag​

Kapag ako ang nasusunod sa gupit na gusto ko, parang mas nagiging masipag akong pumasok.

Buti naman, sinusunod ako ni Mang Pablo. Nakalilimutan niya ang gusto ni Nanay na gupit ko. Masaya talaga ako sa gupit ko! Sa buong buhay ko noong elementarya, isa lang ang gumugupit sa buhok ko, si Mang Pablo Lumpo siya. Nakaupo na lang sa isang lumang wheel chair. May timba sa tabi ng kaniyang wheelchair. Doon siya umiihi. Naaamoy ko nga madalas ang kaniyang panghi habang ginugupitan niya ako. Natatandaan ko rin ang kaniyang asawa na kay liit-liit. Kay liit-liit din ng kanilang bahay. Palipat-lipat ng bahay si Mang Pablo. Tatlo ang natatandaan kong naging bahay ni Mang Pablo na laging malapit lang sa aming eskuwelahan. Dati si Mang Pablo ang pumupunta sa bahay-bahay para humanap ng mga buhok na gugupitan. May isang batang lalaki

na nagtutulak sa kaniya. Di ko mabilang kung ilang beses akong nakapagpagupit kay Mang Pablo. Basta’t suki niya ako lalo na’t magpapasukan. Noon, parang di na matatapos ang sama ng loob ko habang ginugupitan ni Mang Pablo ng gupit na ayokong-ayoko. Noon, parang di na ako ga-graduate sa gupit-bao.

Wala na si Mang Pablo at wala na rin ang Nanay ko. Ngayon ko naisip, na sana’y naging masunurin talaga ako sa Nanay ko. Sana’y wala akong sama ng loob na nararamdaman sa tuwing pagugupitan niya ako kay Mang Pablo. Sana’y naisip ko noon na gupit-bao talaga ang gupit na bagay sa mga bata.

Nami-miss ko si Nanay. Di naman habang panahon na mukhang bao ang gupit ko at di rin pala habang panahon na aking makakasama ang mahal kong Nanay.

See also  Halimbawa Ng Abstrak

16. Sino ang nagsasalita sa sanaysay?
17. Bakit ayaw niyang makasama ang kaniyang ina kapag nagpapagupit ng buhok?
18. llarawan ang ibig sabihin ng gupit-bao.
19. Bakit umiiyak ang bata pagkatapos siyang pagupitan ng kaniyang ina?
20. llarawan si Mang Pablo.

Answer:

16. Ang bata

17. Kasi Hindi sya ang magdedesisyon Ng kanyang estili Ng buhok

18.kalbong gupit

19. dahil ayaw nya ang kanyang gupit

20. Siya ay magaling na barbero,Siya ay lumpo at nakaupo lamang sa lumang wheel chair.

Explanation:

we have the same module hope it helps