3. Namamasyal Kayo Ng Nakababatang Kapatid Mo Sa Mall. Bigla Ninyong Naramdaman Na Yum…

3. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall. Bigla ninyong
naramdaman na yumayanig ang kapaligiran. Ano ang iyong gagawin?

Pagyanig ng Kapaligiran

Kadalasan na nararamdaman natin ito dahil sa pagkakaroon ng lindol. Hindi natin alam kung kailan at anong oras darating ito. Kailangan dito ang pagiging alerto sa lahat ng oras at iwasan ang mataranta. Ang pagyanig ay dapat bigyang pansin agad para malaman kung ano ang hakbang na gagawin para maingatan ang buhay.

Sitwasyon: Habang kayo ay namamasyal ng nakakabata mong kapatid sa mall at bigla kayong nakaramdam ng ng pagyanig ng kapaligiran, ano ang iyong gagawin?

Nakadepende sa kalagayan ang mga pagkilos na maaaring mong magawa sa sitwasyon na ito. Maaari kaming magtago ng kapatid ko sa ilalim ng matibay lamesa habang nakapatong ang dalawang kamay naming sa aming ulo para hindi mabagsakan ng mga bagay na mabibigat. Isa pa, kung malapit kami sa labasan, maaari kaming tumakbo palabas ang humanap ng ligtas na lugar na walang makakabagsak sa amin na kahit ano.

Tandaan ang mga puntong ito:

  • Sa ganitong mga sitwasyon, kailangan na mabilis tayo makaisip ng mga paraan at hakbangin na dapat natin gawin para maingatan ang buhay. Maaaring sa simula ay makaramdam tayo ng pagkatakot, pangamba at pagkakaba, pero lahat ng ito ay normal lang. Pero sa pagkakaroon ng patiunang kaalaman hinggil sa pagyanig ng ating kapaligiran o lindol, mahalaga na itatak natin sa sarili natin ang kaligtasan sa lahat ng oras. Saanman tayo pumunta nariyan ang banta ng mga sakuna.
  • Huwag natin balewalain ang mga ganitong mga bagay. Tulungan ang sarili at maging ang mga kasama mo na ihanda ang isip hinggil sa posibleng mangyari. Walang nakakaalam ng mga hindi inaasahang pangyayari na maaaring maganap ngayon, mamaya, bukas at sa isang araw. Tandaan natin na magkaroon ng kaunawaan tungkol sa kung paano mananatiling ligtas at mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng lindol o pagyanig ng kapaligiran. Sanayin ang sarili kahit tayo ay mga bata pa na ngayon pa lamang dahil buhay natin mismo ang nakasalalay dito.  
See also  Instructions: Create A Flow Chart With Steps In Creating Photo...

Naisin mo pa bang makapagbasa ng higit? Puwede kang bumisita dito sa mga links na ito:

Ano ang ibig sabihin ng salitang lindol: brainly.ph/question/666913

Habang naglilindol, ano ang dapat mong gawin: brainly.ph/question/6138500

Mga dapat gawin ng isang individual kung nakaramdam tayo na may lindol sa ating kapaligiran: brainly.ph/question/7038724

#BrainlyEveryday