Buod Ng Miracle In Cell No.7
buod Ng miracle in cell no.7
Answer:
Si joselito ay isang lalaki na may kapansanan sa pag iisip na may isang anak na babae na nag ngangalang yesha anim na taong gulang. ang mag amang ito ay masaya sa kanilang simpleng buhay. Ang nais lamang ng kanyang anak ay magkaroon ng isang mamahaling sailor moon bag. Isang araw sa paglalakad ni Joselito na pansin niya ang bag na isang batang babae sinundan niya ito. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ang batang babae ay nadulas at nabagok ang ulo. Dahil sa pagiging inosente ni Joselito nilapitan niya ang batang babae at binagyan ng panimulang lunas. Ngunit may isang saksi ang nakakita at ito ay nagsisigaw. Akala ng saksi si Joselito ay may ginagawang kasamaan sa bata dumating ang mga pulis at hinuli si Joselito.
Dito na nagsimula ang pangyayari na bumago sa kanilang buhay. Kinulong si Joselito at kinasuhan ng pagpatay at panggagahasa sa isang batang babae. Nakaranas si Joselito ng ibat ibang pangungutya sa ibat ibang tao. Ang kanyang anak na si Yesha ay nanindigan na ang kanyang ama ay inosente. Kaya’t pilit siyang pumasok sa kulungan ng kanyang ama. Sa tulong ng mga kaibigan ni Joselito sa loob ng bilangguan. Si Yesha ay patuloy na nakasama ang kanyang ama sa loob ng nasabing kulungan.
Isang araw nagkaroon na ng desisiyon ang korte. Si Joselito ay nahatulan ng kamatayan. Sa hatol na ito na tanggap na ni joselito ang kahihinatnan ng kanyang buhay kaya’t pinagkatiwala niya ang kanyang anak na babae sa isang kaibigang pulis.
Lumipas ang maraming taon ang batang si Yesha ay isang ganap na abogada. Pinuntahan niya ang mga dating kaibigan ng kanyang Ama sa loob ng bilangguan. Dito ipinaliwanag niya sa mga kaibigan na nais niya magsampa sa korte suprema para baligtarin ang desisiyon at mabawi ang karangalan ng kanyang ama kahit na ito’y patay na.
Sa patuloy na pagpapakita ng mga ebidensya nagwagi ang kampo ni Yesha. Nabaligtad ang desisyon ng korte at napawalang sala si Joselito. Natupad na ang pangako ni Yesha sa kanyang yumaong ama na ibalik ang natitira nitong dignidad.