ANO ANG YAMANG LIKAS AT YAMANG TAO?
ANO ANG YAMANG LIKAS AT YAMANG TAO?
Answer:
Ang mga yamang tao o nakukuhang mga tauhan (Ingles: human resources) ay isang mabilisang lumalawak na katawagang tumutukoy sa pamamahala o pangangasiwa ng “puhunang mga tauhan” o “pondong mga tao,” ang mga tao ng isang samahan o organisasyon. Umusod ang larangan mula sa isang tradisyunal na tungkuling pampangangasiwa papunta sa isang mayroong estratehiyang kumikilala sa ugnayan sa pagitan ng may talentong at nakatutok na mga tao at sa tagumpay na pang-organisasyon. Kumukuha ang larangan mula sa mga konseptong pinaunlad sa Sikolohiyang Industriyal/Organisasyonal at Teoriya ng Sistema. Lumabis-kumulang, may dalawang interpretatsyon o pagpapaliwanag ang yamang tao batay sa konteksto. Hinango ang pinagmulan o orihinal na konsepto mula sa ekonomiyang pampolitika at ekonomiya, na nakaugaliang tinatawag na ekonomiya ng paggawa o payak na bilang “paggawa” lamang, isa sa apat na mga sangkap ng produksiyon bagaman ang ganitong pananaw ay nagbabago ayon sa tungkulin ng bago at umiiral na pananaliksik papunta sa mas estratehikong mga pagharap sa mga antas na pambansa. Mas ginagamit ang ganitong paggamit batay sa ‘pagpapaunlad ng mga yamang tao’, at maaaring lumampas sa mga organisasyon lamang hanggang sa antas ng mga bansa o mga nasyon.Sa mga korporasyon at mga negosyo, mas tumutukoy ang tradisyonal na paggamit sa mga indibidwal na nasa isang kompanya o ahensiya, at sa bahagi ng organisasyon na namamahala sa pagkuha ng mga tauhan, pagtatanggal ng mga tauhan, pagsasanay ng mga tauhan, at iba pang mga paksang pangtauhan, na karaniwang tinutukoy bilang “pamamahala ng mga yamang tao’. Kapwa tinatalakay sa lathalaing ito ang dalawang mga paglalarawan o pagbibigay-kahulugang ito.
Explanation:
Answer:
ang yamang tao ay isa sa mga pinakamahalagang pinagkukunang yaman ng pilipinas,ang mga mamayan ng ating bansa ay may angking talino, kakayahan at lakas na may kakayahang makagawa ng iba’t ibang bagay at produkto at mga serbisyo na tutugon sa mga pangangay langan natin
Ang likas na yaman (tinutukoy sa ekonomika bilang yamang lupa, lupain o hilaw na materyal) ay likas na nagkakaroon sa loob ng mga kapaligiran na hindi gaanong ginagambala ng tao, sa isang likas na anyo. Kadalasang binibigyan ng katangian ang likas na yaman sa laki ng kaibahan ng biyolohika na mayroon sa iba’t ibang mga ekosistema.
Explanation: