Ang Pagiging Mamamayang Pilipino Ay Pagiging Kasapi Sa Estado….

Ang pagiging mamamayang Pilipino ay pagiging kasapi sa estado. Nangangahulugan ito ng pakikibahagi sa tagumpay at kasawian ng bansa. Kapag nakatamo ang bansa ng tagumpay, nakadarama ng pagmamalaki ang mamamayan. Gayundin, kapag ang bansa ay napipintasan, kalungkutan ang nananaig sa Piipino. Ang pagiging Pilipino ay nagpapahiwatig ng pananagutang maging matapat sa bayan. Katumbas nito, may karapatan ang bawat mamamayan na mabigyan ng proteksyon. Ang pangangalaga sa kalayaan at karapatang tinatamasa ng mamamayan ay isa sa mga pangunahing katangian ng lipunang demokratiko. Kaugnay ng pagiging mamamayang Pilipino, may mga karapatan ang bawat bata tulad ng karapatang maisilang at magkaroon ng pangalan. Karapatan ng batang maprotektahan laban sa pananakit, magkaroon ng isang pamilya, at magkaroon ng malusog at masiglang katawan. Kasama rin dito ang karapatang magkaroon ng pagkakataong makapaglaro at maglibang. Mahalaga rin sa bata ang karapatan sa maayos at may kalidad na edukasyon. May karapatan ang mga magulang na pumili ng paaralang papasukan ng bata. Kalakip ng karapatan ay ang tungkulin at pananagutan ng mamamayan. Tungkulin ng mga batang sumunod sa batas ng bansa at sa mga tuntunin sa pinapasukang paaralan. Tungkulin ng mga batang tumupad sa mga utos ng mga magulang. Tungkulin din nilang makibahagi sa kanilang lipunan ayon sa kanilang kakayahan.

Mga Tanong (Ikaanim na Baitang)
1. Alin sa sumusunod ang HINDI sinasabi sa seleksyon tungkol sa ating pagiging mamamayang Pilipino? Ang pagiging mamayang Pilipino ay ____________________________.
a. pakikiramay sa kasawian ng iba
b. pakikiisa at pakikibahagi sa bayan
c. pagpapamalas ng pagmamalaki sa ating lahi
d. pagtupad sa karapatang proteksyonan ang bayan

See also  Halimbawa Ng Lakbay Sanaysay Sa Manila

2. Alin sa sumusunod ang nasasaad sa seleksyon?
a. May karapatan ang mga batang pumili ng paaralan.
b. Kasama ng mga karapatan ang mga tungkulin ng mga bata.
c. Ang paglilibang at paglalaro ay kabilang sa tungkulin ng mga bata.
d. Tungkulin ng mga batang makasama sa paggawa ng tuntunin sa paaralan.

3. Ano ang kahulugan ng salitang nananaig sa pangungusap sa kahon? Kapag ang bansa ay napipintasan, kalungkutan ang nananaig sa Piipino.
a. bumabalot
b. nararanasan
c. nangingibabaw
d. nauuna

4. Ano ang kahulugan ng salitang tinatamasa sa pangungusap sa kahon? Ang karapatang tinatamasa ng mamamayan ay isang katangian ng lipunang demokratiko.
a. nararanasan
b. pinapangarap
c. pinag-uusapan
d. nararamdaman

5. Alin sa sumusunod ang pangunahing ideya ng seleksyon?
a. Karapatan ng bawat Piipino na kilalanin ang kanyang mga tungkulin.
b. Kasama sa pagka- Pilipino ang pakikisapi sa iba’t ibang gawain sa estado.
c. Nananaig sa pagiging Piipino ang matamasa ang karapatan kaysa makilala ang tungkulin.
d. Katapat ng pagiging Pilipino ang matamasa ng mga karapatan at
gawin ang tungkulin.

6. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon?
a. Hatid nito ang bagong balita.
b. Hangad nitong manghikayat.
c. Gusto nitong magbigay ng aral.
d. Nais nitong magbigay ng kaalaman.

7. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
a. Tinalakay ang mga sanhi at bunga ng paksa.
b. Nakasaad ang mga suliranin at solusyon ng paksa.
c. Maingat na isinalaysay ang mga pangyayari sa seleksyon.
d. Nagbigay ng mga halimbawa para maging maliwanag ang paksa .

See also  Taglay Paba Ngayon Ng Mga Pilipino Ang Nasabing Katangian Ng...

8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
a. Ang Pagiging Pilipino
b. Mga Tungkulin ng Pilipino
c. Makiisa sa Bayan bilang Pilipino
d. Karapatan Mong Maging Pilipino

Pasagot (*ˊᗜˋ*)ᵗᑋᵃᐢᵏ ᵞᵒᵘ need ko lang pu plsss

Answer:

1. c 2. b 3. c 4. d 5. a 6. c 7. d 8. a

Explanation:

i hope maka tulong sayo to