Ilahad Ang Dalawang Ritwal Sa Kwentong Binasa Kwento: I. Ang Pag-iibigan Nina…
Ilahad ang dalawang ritwal sa kwentong binasa
Kwento: I. Ang Pag-iibigan nina Diwatang Alunsina at Datu Paubari
Ipinag-utos ni Kaptan, ang hari ng mga diyos at diyosa
na ang magandang diwatang si Alunsina ay ikasal pagsapit
niya sa edad ng pagdadalaga. Maraming makikisig na diyos sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig ang naghangad sa kaniyang
kamay subalit silang lahat ay nabigo dahil si Alunsina ay umibig
at nagpakasal sa isang mortal na si Datu Paubari, ang pinuno
ng Halawod. Dahil dito’y nagalit ang mga manliligaw ni
Alunsina at nagbalak na ipahamak ang mag-asawa ngunit hindi
nagtagumpay ang mga ito.
Pagkalipas ng ilang buwan ay nagsilang ng tatlong
malulusog na sanggol na lalaki si Alunsina. Pinangalanan
nilang Labaw Donggon, Humadapnon, at Dumalapdap ang
tatlong sanggol. Nagsagawa ng ritwal si Bungot-Banwa, ang
paring iginagalang ng kanilang lahi. Ito ay para sa mabuting
kalusugan ng magkakapatid. Nagsunog si Bungot-Banwa ng
talbos ng halamang alanghiran na sinamahan niya ng
kamangyan at saka inialay sa isang altar. Pagkatapos ay binuksan niya ang bintana at sa pagpasok ng
malamig na hangin mula sa hilaga, ang tatlong sanggol ay biglang naging malakas at makikisig na binata.
II. Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon
Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang nagpakita ng interes sa magagandang babae.
Pagkapanganak sa kanya ay naghanap si Labaw Donggon ng mapapangasawa.
Una niyang napangasawa si Anggoy Ginbitinan. Napangasawa niya ito matapos magapi ang
isang halimaw na si Manalintad. Ikalawa ay si Anggoy Doronoon. Ang ikatlo at pinakamahirap sa lahat,
ay ang pakikipagsapalaran niya upang makamtam si Malitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni
Saragnayan, ang diyos ng kadiliman.
Dahil may agimat din si Saragnayan, natalo niya si Labaw Donggon sa labanan na tumagal nang
maraming taon. Ibinilanggo ni Saragnayan si Labaw Donggon sa isang kulungan sa ilalim ng kanilang
bahay.
Samantala, nanganak ng dalawang lalaki ang dalawang asawa ni Labaw Donggon, sina
Asu Mangga at Buyung Baranugon.
Hinanap ng magkapatid ang ama. Nakaharap nila si Saragnayan, ngunit ngayo’y natuklasan ni
Baranugan ang lihim ng kapangyarihan ni Saragnayan kaya nagapi nila ito. Gayunma’y hindi rin nila nakita
ang ama sa bilangguan nito.
Sina Humadapnon at Dumalapdap naman ang humanap kay Labaw Donggon at nakita nilá ito
sa loob ng lambat subalit wala na ang dating kakisigan at lakas ni Labaw Donggon. Nawala ito dahil sa
matagal na pakikipaglaban at pagkakakulong. Ibinalik ng magkapatid sa kanilang tahanan si Labaw
Donggon at pinakausapan ni Humadapnon ang mga hipag na gawin ang kinakailangang ritwal at
seremonya para maibalik ang dating lakas at kisig nito. Ginawa ng dalawang babaeng nagmamahal ang
lahat para muling lumakas si Donggon. Hindi nga nagtagal ay muling nagbalik ang kakisigan at lakas ni
Labaw Donggon.
Answer:
ang ritwal ng pag bibinyag at ang ritwal ng pag nabalik ng lakas
kapangyarihan wika ang katangian antas tungkulin kahulugan
Humadapnon (epiko ng panay). Komiks darna pilipino pinoy kapangyarihan mga ang teleserye redondo nestor sna serial. Encantadia kapangyarihan
ang
Kapangyarihan mga laban demons terror demonyo atxcatholic. Lakas at kapangyarihan. Epiko gilgamesh noypi buod ano
pampanitikan wika kwento elemento
Ernee's corner: lovers in philippine epics and folklores. Encantadia: ang pag-usbong ng kapangyarihan ni lira. Encantadia ni