Mga Mabuting Epekto Ng Pagkakaibigan At Masamang Epekto Ng Pagkakaibigan
Mga mabuting epekto ng pagkakaibigan at masamang epekto ng pagkakaibigan
Answer:
Mabuting Epekto ng Pagkakaibigan
- Nagkakaroon ng masasandalan at matatakbuhan sa mga oras ng pangangailangan.
- Nakatutulong sa atin upang mas mahubog pa ang ating pagkatao.
- Maari tayong makatagpo at maityuring na para nating totoong mga kapatid.
- Nakakatulong sa ating pag-aaral, dahil maari tayong magtanong sa mga aralin na hindi natin lubos maunawaan.
- May nasasabihan ng ating mga problema at nagpapagaan ng ating mga kalooban.
- May nagbibigay ng pangaral kapag nakagagawa tayo ng kamalian.
- Nakatutulong ang mga kaibigan upang maging isang mabuting tao.
Masamang Epekto ng Pagkakaibigan
- Kung minsan, may mga pagkakataong nagkakaroon ng away ang magkakaibigan dahil sa hindi pagkakaunawaan o pagkakainitndihan.
- Maaring makahadlang rin sa pag-aaral dahil minsan mas napagtutuunan ng pansin ang barkada o mga kaibigan at hindi na nabibigyang halaga ang pag-aaral.
- May mga kaibigan na nakakaimpluwensiya sa mga bisyo tulad ng pag-iinom at paninigarilyo.
- Minsan dahil sa pagkakaibigan o barkada may mga taong nagagawan ng mali dahil nauutusan lamang.
Pagkakaibigan
Ang pagkakaibigan ay nabubuo sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayan ng dalawa o mahigit pang tao na hindi nakabatay sa kanilang mga katangian kundi sa mas malalim na aspekto ng kanilang pagkatao.
Iba’t Ibang Kahulugan ng Pagkakaibigan
- Ayon sa Webster’s Dictionary, Ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) at Pagpapahalaga (esteem).
- Ayon kay Aristotle, “Ang tunay na pagkakaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba.Ito ay isang natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga sa isang ordinaryong kakilala lamang. Hindi ito pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi ng isat-isa. Naiaangat nito ang antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng isang lipunan”.
- Ayon kay Emerson, “Ang biyaya ng mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang nakakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila.Kundi ito ay mararamdaman sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin ”.
- Sabi ni William James, “Ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon.” Kung kaya dapat na unawain na kailangan ng pagsisikap upang tumagal ang pagkakaibigan. Ang pagsisikap ng sinuman na alagaan ang ugnayan sa isang kaibigan ang nagpapatingkad ng halaga ng isang samahan.
Ang kaibigan ay hindi basta-basta mahahanap, hindi maaaring pagkakita mo sa isang tao ay mararamdaman mo na magiging malapit kayo sa isa’t isa. Dumadaan ito sa isang mahabang proseso.
Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na nasa ibaba:
Kahalagahan ng Kaibigan: brainly.ph/question/985321
Kahalagahan ng Pagkakaibigan: brainly.ph/question/909286
#LetsStudy