Ang Paniniwala Na Naging Sibilisado Lamang Ang Pilipinas Bang Sakupin Ng Mga Dayuhan​

Ang paniniwala na naging sibilisado lamang Ang pilipinas bang sakupin Ng mga dayuhan​

Hindi totoo na naging sibilisado lamang ang Pilipinas nang sakupin ng mga dayuhan. Sa katunayan, mayroon nang sistema ng pamumuhay at pamumuno ang Pilipinas nang dumating ang dayuhang si Ferdinand Magellan. Patunay ito na sibilisado na ang Pilipinas bago dumating ang mga dayuhan.

Mga patunay na sibilisado na ang Pilipinas noon.

  1. Antas ng tao sa lipunan
    Mayroon na tayong pangkat ng mga tao na nabibilang sa kanilang antas bago pa man dumating ang pinakaunang dayuhan sa Pilipinas. Nangangahulugan ito na mayroon na tayong batas at parusa sa mga taong hindi marunong sumunod sa panunungkulan. Halimbawa sa antas ng mga tao noon ay ang raja, malaya, timawa, alipin, o uripon.
  2. Mga pinuno
    Ang mga pangkat sa Pilipinas noon ay may mga namumuno na. Sila ang nangangasiwa ng batas, kalakalan, at pagiging maayos ng nasasakupan. Isa din ito sa mga patunay na kaya na nating mamuhay ng malaya at sibilisado noon. Isa sa pinaka-kialalang pinuno at unang bayani ng Pilipinas ay si Lapu-lapu mula sa Mactan, Cebu.
  3. Sistema ng pagsulat
    Kung naging sibilisado tayo nang dumating lamang ang mga dayuhan, bakit mayroon na tayong sariling sistema ng pagsulat o Alibata? Mahihinuha dito na hindi tayo napag-iiwanan ng panahon. Tinulungan lamang tayo ng mga dayuhan na ipakilala sa mas angat na sibilisasyon ngunit hindi ibig sabihin na sila talaga ang nagdala sa atin sa mundo ng sibilisasyon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa buhay ni Lapu-lapu, maaaring magtungo lamag sa link na ito:

See also  1. Ang Tanka Ay Isang Uri Ng Tula. Ilang Taludtod Ang Bumubuo Sa Isang Tanka?...

https://brainly.ph/question/1521673

#SPJ1