Paano Pinapairal Ang Pagsasaka Sa Manoryalismo? ​

Paano pinapairal ang pagsasaka sa Manoryalismo? ​

Answer:

Manoryalismo sistemang ekonomiya na gumagabay sa paraan ng pagsasaka, buhay magbubukid, at ugnayan sa lord ng manor.

Buod:

Isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang-kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Sa kanlurang Europe noong gitnang panahon, ang ekonomiya ay nakasentro sa sistemang manoryal. Ito ay sistemang agrikultural na nakasentro sa mga nagsasariling estado na kung tawagin ay manor. Katapat ito ng piyudalismo. Ito ay sistemang gumagabay sa paraan ng pagsasaka, sa buhay ng magbubukid at ugnayan sa loob ng manor. Ang manor ay isang lupaing sinasaka. Pinairal ang tinatawag na three-field system. Sa sistemang ito, ang bukirin ay hinati sa tatlong bahagi: taniman sa tagsibol; taniman sa taglagas, at ang lupang tiwangwang. Ang taniman ay pinaiikot sa bawat taon upang mapanatili ang fertility ng lupa. May tatlong uri ng magsasaka, una ay ang mga alipin, ang mga alipin ay pwedeng bilhin at ipagbili tulad ng isang hayop. pangalawa ay ang mga serf, sila ay ang mga nagsasaka ng walang bayad kundi kapirasong lupa at proteksyon mula sa mga knight ng kanilang lord. At pangatlo ay ang ang mga freeman, sila ay ang mga pinalayang alipin na kadalasang mayroong sariling lupa. Sa pusod ng manor makikita ang palasyo ng panginoon. Ang lupaing kinatatayuan ng palasyo ay tinawag na demesne. Mahirap ang buhay ng mga naninirahan sa manor. Wala silang ugnayan sa ibang pamayanan dahil limitado lamang ang nagaganap na kalakalan.

See also  Ano Ang Ngaing Epekto Ng Mga Kaisipang Liberal Sa Mga Pilipino A.yumaman Ang Mga Pil...

Explanation:

hope it helps.

nakuha ko tong info kay mr. goo