Ano Ang Kahulugan Ng Piyudalismo At Manoryalismo​

ano ang kahulugan ng piyudalismo at manoryalismo​

Answer:

Ang piyudalismo o peudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari.[1] Isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon. Ang basalyo ang nagmamay-ari ng lupa ngunit isinusuko niya ang lupang ito para sa kanyang seguridad. Noong panahon ng piyudalismo, hindi sapat ang seguridad ng isang simpleng mamamayan. Tinatawag na fief ang lupang isinuko.[1] Nagkakaroon ng omahe o pagbibigay-dangal – ang pagkilala ng isang basalyo o tenanteng dapat siyang maging matapat sa kanyang panginoon sa pamamagitan ng isang seremonya – bilang pag-iisa ng panginoon at ng basalyo.

Ang manoryalismo, senyoralismo, o senyoryo ay isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang-kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Ang sistemang ito ay hindi rin nagtagal ng mahabang panahon. Isa itong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno, o may-ari bilang kapalit ng proteksiyon.

I HOPE IT’S HELP

See also  3. Ano Ang Naging Simbolo Ng Sedula Sa Mga Pilipino Noong Pan...