Paghambingin Ang Ilang Halimbawa Ng Tanka, Haiku, At Tanaga Batay Sa Sukat, Tug…

paghambingin ang ilang halimbawa ng tanka, haiku, at tanaga batay sa sukat, tugma, at pag bigkas

Answer:

Ang haiku ay tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay binubuo ng limang pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig, at ang ikatlo’y may limang pantig tulad ng una. Halimbawa ng Haiku: Puno ay sanga Bisagra ay talahib, Kandado’y suso. Ang tanaga naman ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na guniguni at marangal na kaisipan.May 4 na taludtod (linya ng bawat saknong sa tula) na may sukat (bilang ng pantig sa bawat taludtod), binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na bawat pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan, may tugma (pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod), at puno ng talinghaga. Halimbawa: SIPAG Magsikhay nang mabuti Sa araw man o gabi Hindi mamumulubi Magbubuhay na hari

See also  Gumawa Ng Slogan Tungkol Sa Ang Alibughang Anak​