Magbigay Ng Halimbawa Ng Tula Na May Tugma Sa Patinig

Magbigay ng halimbawa ng tula na may tugma sa patinig

Answer:

1

Inaabangan ko doon sa Kanluran,

Ang huling silahis ng katag-arawan,

Iginuguhit ko ang iyong pangalan,

Sa pinong buhangin ng dalampasigan.

2

Aking dinarama sa hanging habagat,

Mga alaala ng halik mo’t yakap,

Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,

Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.

3

Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,

Ang iyong larawan at mga pagsuyo,

Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso,

Sa kutim na ulap nakikisiphayo!

4

Sa pag-aagawan ng araw at buwan,

At pagkapanalo nitong kadiliman

Ay nakikibaka ang kapighatian,

Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.

5

Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,

Kahit na ako’y lubos na tumangis

Pag-ibig na lamang na igting na nais

Ang makakapiling sa huling silahis.

Isang halimbawa ng tagalog na tula na may sukat at tugma na tungkol sa isang pag-ibig na sawi dahil sa kamatayan.

Answer:

Inaabangan ko sa kanluran

See also  Do You Agree With Authors Claim Or Thesis Why Or Why Not Abo...