7 Bahagi Ng Mukha Na Naguumpisa Sa Letter P..

7 bahagi ng mukha na naguumpisa sa letter p..

Ano ang Mukha?

Ang mukha ay ang harapang bahagi ng ating ulo kung saan makikita ang ating mga mata, bibig, at iba pa. Ang nagbibigay ng depinisyon, hugis at angking katangian ng ating mukha ay nakukuha o namamana natin sa ating mga magulang sa dugo. Ito ay dahil sa dumadaloy na gene na ating namamana na sya namang makikita din sa ating katangian.

Pitong Bahagi ng Mukha na Nagsisimula sa Letrang P

  1. Pisngi
    Ang pisngi ay ang umbok na bahagi n gating mukha na matatagpuan sa tabi ng bibig at ilong at nasa ilalim ng mukha. Ito ay mayroong malaking naitutulong sa pagkain. Kung sa mekanikal na pagtunaw ito ay nakakatulong upang mapanatiling ang pagkain ay nasa loob ng ating bibig habang tayo ay ngumunguya. Ito ay nakakatulong din sa pagpapakita ng ating pisikal pagpapahayag ng ating nararamdaman.
  2. Panga
    Ang panga ay ang parte na nagbibigay ng pigura at hugis ng ating mukha. Ito ay dalawang pares ng buto kung saan ang itaas na parte ay nakapirmi at ang ibaba naman ang ating naigagalaw. Ito ay nakakatulong sa ating pagnguya at pagkagat sa ating kinakain.
  3. Pilik Mata
    Ang pilik mata ay ang mga maiikling buhok na matatagpuan sa ibabaw at ilalim ng talukap n gating mata. Ito ay nakakatulong upang maprotektahan ang ating mga mata laban sa gabok at iba pa na maaaring makasira sa mata. Sa tulong nito ay mas nagiging sensitibo ang ating mata sa paggalaw upang hindi makapasok ang mga gabok.
  4. Piltrum
    Ang piltrum ay matatagpuan sa ibabaw ng ating pantaas na labi. Ito ay ang kaunting patayo na kurbang pailalim na pinaggigitnaan ng ating pantaas na labi at ng ating ilong.
  5. Pinna ng Tainga
    Ang pinna ng tainga ay ang panlabas na parte ng ating tainga at binubuo ito ng kartilya at balat. Ito ay nakakatulong sa pagkolekta ng tunog-alon na ipinapadala naman sa loob na partne ng ating tainga.
  6. Patilya
    Ang patilya ay ang karugtong ng ating buhok sa tabi matatagpuan sa gitna ng pisngi at ng tainga. Ito ay nakakatulong upang mas magkaroon ng pigura ang linya ng ating panga at mas maipakitang gilas ito.
  7. Puyo
    Ang puyo ay ang bahagi ng buhok o balahibp kung saan ang direksyon ng pagtubo ng buhok ay tumutubo ng paikot. Ito ay paminsang nakapagbibigay ng kakaibang istilo sa ating buhok.
See also  Abstrak Halimbawa Tunkol Sa Piling Larang

Para sa Karagdagang impormasyon

Bahagi ng Mukha na Kailangan na Iwasang Hawakan:

https://brainly.ph/question/25480904

#SPJ5