"Ang Mga Pako Sa Pader" (Anonymous) Noon, May Isang Batang L…

“Ang Mga Pako sa Pader”

(Anonymous)

Noon, may isang batang lalaki na mainitin ang ulo. Madali siyang magalit at

nakapagbibitiw siya ng masasakit na salita sa kaniyang mga kaibigan, kaklase o kung

sino mang nakatatanggap ng kaniyang galit. Mahal na mahal siya ng kaniyang ama

kaya gusto ng ama na mabago ang ugali niyang ito.

Dinala niya ang kaniyang anak sa bakuran at binigyan siya ng martilyo at

mga pako. “Anak,” bilin ng ama. “Tuwing iinit ang ulo mo at magagalit ka, kumuha

ka ng martilyo at isang pako at ilagay mo ito sa pader.” Hindi naintindihan ng bata

kung bakit niya ito kailangan gawin, subalit bago pa man matapos ang unang araw,

30 pako na ang nailagay niya sa pader.

Habang tumatagal, natuklasan ng bata na mas madali palang pigilin na

lamang ang kaniyang galit kaysa magbuhat ng mabigat na martilyo at magpukpok

na naman ng pako sa pader. Lumipas ang mga araw at natutuhan niyang pigilin ang

kaniyang galit at naging mahinahon. Kung noon, 30 pako ang nadadagdag sa pader

araw-araw, unti-unti itong nabawasan at naging labinlima, sampu, dalawa, at isang

pako na lamang sa bawat araw. Pumunta siya sa kaniyang ama at masayang

ibinalita ito sa kaniya. Pinuri siya ng kaniyang ama at binigyan nang bagong gawain:

sa bawat araw na lumipas na hindi siya magagalit, magtatanggal siya ng isang pako

sa pader.

Ginawa niya ito at pagkatapos ng napakahabang panahon, natanggal na niya

ang lahat ng pako mula sa pader. “Ama, nagawa ko na po ang inyong inutos. Wala

See also  Ang Awiting-bayan Na Sinulat Ni Jose Corazon De Jesus. A. Dalagang Pilipina B. Lawiswis K...

na pong natirang pako sa pader.”

Pumunta ang ama sa bakuran at tumayo sa harap ng pader. “Ipinagmamalaki

kita, anak,” sabi ng ama. “Nagawa mong baguhin ang iyong ugali at hindi ka na

madaling magalit. Subalit tingnan mo ang pader…” Tinuro niya ang pader na dating

makinis subalit ngayon ay punong-puno na ng maliliit na butas. “Tuwing magagalit

ka at magsasalita nang masakit sa iyong kapuwa, parang naglalagay ka ng pako sa

pader na ito. Maaari kang humingi ng tawad at maaari mong tanggalin ang pako,

subalit may butas na matitira sa pader. Hindi na ito magiging katulad ng dati.”

Tumahimik ang bata at nag-isip nang matagal. Nasaktan niya ang kaniyang

mga kaibigan at kamag-aral dahil sa masasakit na salitang sinabi niya. “Patawarin

niyo po ako, ama. Mula ngayon, sisikapin kong huwag nang dagdagan pa ang mga

sugat ng ibang tao.

Tanong:

1.Bakit naisipan ng ama na ipagawa sa anak ang paglalagay ng mga pako sa pader?

2.Bakit nabawasan ang bilang ng pako na nadaragdag sa pader araw-araw?

3.Ano ang nangyari ng matanggal na ang lahat ng pako mula sa pader?

4.Ano kaya ang mangyayari kapag may nagawa ulit na mali ang kaibigan ng bata?

5.Ano ang mensahe ng kwento para sa iyo?

6.Ano pang ibang kwento ang nabasa mo na may magandang paksa o mensahe?

:1:para sa tuwing iinit ang ulo ng anak ay kukuha siya ng pako at martilyo.2:dahil laging nagagalit ang anak 3:bumakat ang mga pako o nag ka butas4:kukuha siya ng pako at i pupukpuk sa pader para mawala ang galit niya5:na ang isang tao may maaari paring magbago6:Ang anak na tamad at ang masipag na anak

See also  Bahagi Ng Katawan Ng Isda​

"Ang Mga Pako Sa Pader" (Anonymous) Noon, May Isang Batang L…

Isang liham para araw ng mga ina.wmv. Mensahe isang. Mensahe para sa kaibigan

Ang Kwento Ng Mensahe Ng Butil Ng Kape - paramensahe

Mensahe isang. Mensahe para kay inay. Kaarawan kanyang mensahe ama kaibigan

Simpleng Mensahe Ng Pasasalamat Sa Ama - boses mensahe

Mensahe para sa mag aaral. Mensahe para kay inay. Mensahe ama kaarawan kanyang

Mensahe Para Sa Ama Sa Kanyang Kaarawan

mensahe ama kaarawan kanyang

Tula para sa ofw. Mensahe kay inay. Mensahe para sa ama watppad

MENSAHE NG ISANG ANAK PARA SA KANYANG AMA - YouTube

mensahe isang

Mensahe para sa kaibigan. Mensahe ama kaarawan kanyang. Ama namatay mensahe aking rizal tagalog

Mensahe Para Sa Mag Aaral

Kaarawan kanyang mensahe ama kaibigan. Mensahe ng isang anak para sa kanyang ama. Mensahe para sa ama watppad

Mensahe Tungkol Sa Ama - mensahe ipinadala

Mensahe para sa ama watppad. Paalam mensahe para sa ama na namatay, paalam mensahe para sa namatay. Ang kwento ng mensahe ng butil ng kape

Mensahe Para Sa Pumanaw Na Ina - mensahe ipinadala

Paalam tatay hanggang walang. Mensahe ina mahal. Pagdakila at mensahe para sa aming mahal na ina

Mensahe Para Sa Namatay Na Ina - matatanda namatay

Mensahe para sa kaibigan. Mensahe para sa ama watppad. Ang kwento ng mensahe ng butil ng kape