Ang Kabihasnang Romano

Ang kabihasnang romano

Answer:

ANG KABIHASNANG ROMANO

Ang Sinaunang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa na umiral sa Italyanong Peninsula. Ang maliit na agrikultural na lungsod ay lumaki at naging isa sa mga pinakamalawak na imperyo ng sinaunang panahon sa Dagat Mediteraneo.

Sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong kabihasnan ay naging kaharian, isang oligarkiyang republika at naging malakas na imperyo.

Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediteraneo at bahagi ng kasakupang pumapalibot sa Dagat na Itim.

Bumagsak ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD sa mga barbaro habang ang Silangang Imperyo Romano ay tumagal hanggang 1453 AD bago bumagsak ang kabisera nito sa mga Turkong Ottoman.

Kasaysayan: Ayon sa alamat, ang lungsod ng Roma ay itinatag ng dalawang kambal na sila Romulus at Remus. ipinatapon ang magkambal noong sila ay mga sanggol pa at iniwan malapit sa Ilog ng Tiber. Inalagaan sila ng mga lobo pero noong lumaki na sila, natagpuan sila ng isang pastol at inalagaan din sila ng pastol. Itinatag nila ang bayan ng Roma pero nag-away sila kung sino ang mamumuno dito pero sabi ng mga ilang historyan, ang pangalan lang ng lungsod ang pinagawayan nila. Nanalo si Romulus at namatay naman si Remus dahil pinatay sya ng sarili nyang kapatid at ipinangalan kay Romulus ang bayan ng Roma.

Naging kaharian ang Roma, pero ang huling hari ng Roma, si Tarquin na Nakapagmamalaki, ay pinabagsak. Itinatag ang Republika ng Roma noong 509 BC at namuno ang mga senador pero namuno si Julius Caesar sa lahat at sinakop niya ang karamihan ng Gitnang Europa. Pinatay siya noong 44 BC ng ilang mga senador at pagkayari may tatlong taong namuno na sila Lepidus, Octavius at si Mark Anthony pero nag-away silang lahat para sa pamumuno ng Roma. Tinalo ni Octavius sila Lepidus at tinalo rin niya sila Mark Anthony at si Cleopatra sa Digmaan sa Actium noong 31 BC at kinuha niya ang panglang Augustus Caesar at siya ang naging unang Emperador ng Imperyo ng Roma.

See also  4. Kung Masasailalim Ang Sultanato Sa Kapangyarihan Ng Mga Espanyol,...

Hinati ni Emperador Diocletian ang Imperyo ng Roma noong 293 AD dahil masyado itong malaki at malawak. Hinati niya ito sa dalawang imperyo – ang Silangang Imperyo Romano at ang Kanlurang Imperyo Romano. Si Emperador Constantine ang namuno sa Silangang Imperyo Romano.

Sinakop ng mga Vandal ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD pero ang Silangang Imperyo Romano o ang Imperyong Bizantino na ay natira pero sinakop din ito ng mga Turkong Ottoman sa pamumuno ni Mehmed II noong 1453 AD.

DIGMAANG PUNIC

*Unang Digmaang Punic

->Ang Unang Digmaang Punic Ito ay naganap sa Sicily Natalo ng mga Romano ang mga Carthaginian at ito’y pinilit na magbayad ng malaking bayad-pinsala at isuko ang Sicily sa Rome. Corvus- ginamit ng mga Romano sa pakikidigma, “rotating bridge w/ a spike on the end”

Ikalawang Digmaang Punic

*Ang Ikalawang Digmaang Punic

-> Si Hannibal ang pinakamagiting na heneral na Carthaginian, ay bumuo ng isang makapangyarihang hukbo

*Ikatlong Digmaang Punic

->Sa tatlong pagkakataon, natalo nina Hannibal ang mga pwersang Romano na sumalubong sa kanila sa Trebbia, Ilog Trasimene at Cannae. Ang mga Roman ay nagulantang at sa loob ng 15 taon ay napanatili ni Hannibal ang kanyang hukbo sa lupain ng mga Romano na hindi nadaig kahit na sa isang digmaan.